PANAGHOY
Isang nakaririmarim na sigaw ang bumasag sa ingay ng inuman ng gabing iyon, hindi ko mawari kung bakit biglaan ang pagdadabog at pagpadyak ng mga paang hindi masungpungan kung saan tutungo, narinig ko ang paumanhin ng isa kong kaibigan. May nasabi pala syang hndi inaasahan. Ngunit bakit sa akin napabunton ang nagliliyab na apoy na makikitang umuusok sa kanyang mga mata? Parang batingaw na mura ang aking narinig mula sa silid ko palabas sa tahimik ng mundo ng gabi, hindi ko inaasahan na sa ganito hahantong ang mga pangyayaring matagal na naming naiplano, minsan hindi ko din maintindihan ang sarili ko bagkus hindi rin nila naiintindihan ang mga sakit at bahid ng isang panaghoy na nasa aking dibdib. Walang nakakaalam kundi ako lamang. Hindi kapanipaniwalaang ang ugaling ito ang namana ko sa aking bituin ngunit totoo, mangyayaring ako lahat ang mali at xa ang nagiging tama sa mata nila, sa mata ng mapanaghusgang lipunan, OO maaaring tama sila ngunit anong silbi ng pinaglalaban kong boses k...