PANAGHOY
Isang nakaririmarim na sigaw ang bumasag sa ingay ng inuman ng gabing iyon, hindi ko mawari kung bakit biglaan ang pagdadabog at pagpadyak ng mga paang hindi masungpungan kung saan tutungo, narinig ko ang paumanhin ng isa kong kaibigan. May nasabi pala syang hndi inaasahan. Ngunit bakit sa akin napabunton ang nagliliyab na apoy na makikitang umuusok sa kanyang mga mata?
Parang batingaw na mura ang aking narinig mula sa silid ko palabas sa tahimik ng mundo ng gabi, hindi ko inaasahan na sa ganito hahantong ang mga pangyayaring matagal na naming naiplano, minsan hindi ko din maintindihan ang sarili ko bagkus hindi rin nila naiintindihan ang mga sakit at bahid ng isang panaghoy na nasa aking dibdib. Walang nakakaalam kundi ako lamang. Hindi kapanipaniwalaang ang ugaling ito ang namana ko sa aking bituin ngunit totoo, mangyayaring ako lahat ang mali at xa ang nagiging tama sa mata nila, sa mata ng mapanaghusgang lipunan, OO maaaring tama sila ngunit anong silbi ng pinaglalaban kong boses kung wla ni isang maniniwala..
Isang panaghoy ang marirrinig sa isang sulok ng lumang silid na yuon,, puno ng hapis at hinagpis, umiiyak, duguan, may pasa sa kanyang mukha at katawan. Ito b ang kapalit na isang taong iginugol ko sa pagsisilbi ng aking buhay sa isang walang malay na nilalang na ang tanging alam lang ay ang painugin ang kanyang mundo at isiksik sa mundong aking ginagalawan, hindi mangyayaring ang mundo m ay maging mundo ko, magkaiba tayo ....ang kapalit ng mga hindi ko pag sangayon ay ito... isang panaghoy.
walng karamay lahat nagiging kaaway....
Comments