Posts

Showing posts from 2019

PAANO BA NASUSUKAT ANG PAGPAPAKATAO?.. my eulogy to for Mommy

PAANO BA NASUSUKAT ANG PAGPAPAKATAO? Ang aming Ina ay isang Guro, isang Mabuting kaibigan, Mapagbigay na kamag-anak, simpleng Anak, mapagmahal na asawa at lalo’t higit isang Ina. Si Mommy susing ay isang GURO - Malalaman mong nasa Room na nya si “Mam Parcarey kapag nakinig mo na ang makinilya”. Isa yon sa talent ng mami, ang mag-makinilya ng hindi nakatingin sa tinatype nya. Bagkus nakatuon sa binabasa nya ang kanyang mga mata. Mahirap para sa ilan pero isa yon sa hinahangaan ng iba kay Mami. Isa syang striktong guro. Ngunit ang hangad lang nya ay matuto ang mga estudyante nya. Lagi nayang pinapa-alala sa amin, sa aking mga kaibigan, sa kanyang mga pamangkin ang kahalagahan ng Edukasyon. Isa sya sa nagpush sa amin lalo na sa kanyang mga pamangkin na mag-aral ng lubos at magtapos alang-alang sa pamilya. Isang mabuting halimbawa ang nangyari sa Buhay ni ate Michelle, Mommy Susing paved the way that made ate michelles destiny. Si Mami Susing ay isang masayahing KAIBIGAN- kapag tina...